Showing posts with label Showbiz. Show all posts
Showing posts with label Showbiz. Show all posts

Wednesday, January 25, 2012

IZA CALZADO at LITO LAPID LUMIPAT NA SA ABS-CBN


images via wikipedia
Pumirma na ng kani-kanilang kuntrata sina Iza Calzado at Sen. Lito Lapid sa ABS-CBN kahapon. Ang kontrata nila ay hanggang tatlong taon.

Masayang pinirmahan ni Iza ang kanyang kontrata sa ABS-CBN. Sabi ni Iza ay panahon na raw para masubukan naman niya ang ibang bagay bilang isang artista. Idinagdag pa ni Iza na gusto niyang makasama sa pelikula sina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz. Nakatakdang gawin ni Iza ang teleseryeng "Biggest Loser" ni Wenn Deramas. Nakatakda na ring gagawa si Iza ng pelikula sa ilalim ng Star Cinema.

Sinalubong naman si Sen. Lito Lapid sa theme song ng kanyang pelikula noong Leon Guerrero. Kinabahan pa ang Sinador sa dahilan na ito ang kanyang unang pagkakataon na sasabak sa telebesyon. Noon kasi ay puro pelikula lamang siya. Ang Sinador ay kasali sa teleserye ng ABS-CBN na pinamagatang "The Little Champ" kung saan gaganap siya bilang isang Kutsero. Hiling ng Sinador na sana huwag bigyan ng masamang kahulugan ang kanyang pagsali sa ABS-CBN dahil kailangan din naman niyang kumayud.



Enhanced by Zemanta

Monday, January 9, 2012

BOURNE LEGACY SA PILIPINAS


Rachel Weisz dumating na sa Manila. Si Rachel ang lead actress sa sikat na pelikulang "Bourne". Ang pang-apat na "Bourne" ay pinamagatang "Bourne Legacy". Ayon pa sa wikipedia.org, ito ay ipapalabas sa ika-3 ng Agosto taong 2012. Ayon sa ulat, ang ibang iksena sa pelikulang ito ay  gagawin dito sa Pilipinas.

courtesy of juicyexpress.com
Ang Bourne Legacy ay pinagbibidahan nila Jeremy Renner na dumating sa Pilipinas noong nakaraang lingo at Rachel Weisz na kararating lang ngayon dito sa Pilipinas. Ang pelikulang ito ay sinulat ni Tony Gilroy kasama ang kanyang kapatid na si Dan gilroy.

Hindi man lahat ng eksina ang gagawin dito sa Pilipinas ay natutuwa pa rin ang Palasyo dito. Naniniwala sila na maka pang hihikayat ito ng marami pang tao sa iba't ibang bahagi ng mundo na bumisita dito sa bansa na magpapalago ng ating turismo.

Tuesday, January 3, 2012

JINKEE PACQUIAO NAGING MATUNOG SA TWITTER KAHAPON


source: pinoyhalo.com
Naging matunog ang asawa ng people's champ Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao kahapon. Ito ay dahil sa kanyang larawang naging cover sa Mega Magazine. Pinakita niya rito ang bagong istelo ng gupit sa kanyang buhok at ang seksing kurte ng kanyang katawan. Naging usap-usapan siya sa twitter kung saan isa siya sa mga nag trending dito sa Pilipinas.

Iba't iba ang reaksyon ng mga nakakita nito. Merong pagpupuri at meron ding panglalait. Isa sa mga panglalait ay parang hindi tunay ang larawang ginamit na sabi pa nila ay "too photoshopped".