Wednesday, January 25, 2012

IZA CALZADO at LITO LAPID LUMIPAT NA SA ABS-CBN


images via wikipedia
Pumirma na ng kani-kanilang kuntrata sina Iza Calzado at Sen. Lito Lapid sa ABS-CBN kahapon. Ang kontrata nila ay hanggang tatlong taon.

Masayang pinirmahan ni Iza ang kanyang kontrata sa ABS-CBN. Sabi ni Iza ay panahon na raw para masubukan naman niya ang ibang bagay bilang isang artista. Idinagdag pa ni Iza na gusto niyang makasama sa pelikula sina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz. Nakatakdang gawin ni Iza ang teleseryeng "Biggest Loser" ni Wenn Deramas. Nakatakda na ring gagawa si Iza ng pelikula sa ilalim ng Star Cinema.

Sinalubong naman si Sen. Lito Lapid sa theme song ng kanyang pelikula noong Leon Guerrero. Kinabahan pa ang Sinador sa dahilan na ito ang kanyang unang pagkakataon na sasabak sa telebesyon. Noon kasi ay puro pelikula lamang siya. Ang Sinador ay kasali sa teleserye ng ABS-CBN na pinamagatang "The Little Champ" kung saan gaganap siya bilang isang Kutsero. Hiling ng Sinador na sana huwag bigyan ng masamang kahulugan ang kanyang pagsali sa ABS-CBN dahil kailangan din naman niyang kumayud.



Enhanced by Zemanta

No comments:

Post a Comment