Monday, January 9, 2012

BOURNE LEGACY SA PILIPINAS


Rachel Weisz dumating na sa Manila. Si Rachel ang lead actress sa sikat na pelikulang "Bourne". Ang pang-apat na "Bourne" ay pinamagatang "Bourne Legacy". Ayon pa sa wikipedia.org, ito ay ipapalabas sa ika-3 ng Agosto taong 2012. Ayon sa ulat, ang ibang iksena sa pelikulang ito ay  gagawin dito sa Pilipinas.

courtesy of juicyexpress.com
Ang Bourne Legacy ay pinagbibidahan nila Jeremy Renner na dumating sa Pilipinas noong nakaraang lingo at Rachel Weisz na kararating lang ngayon dito sa Pilipinas. Ang pelikulang ito ay sinulat ni Tony Gilroy kasama ang kanyang kapatid na si Dan gilroy.

Hindi man lahat ng eksina ang gagawin dito sa Pilipinas ay natutuwa pa rin ang Palasyo dito. Naniniwala sila na maka pang hihikayat ito ng marami pang tao sa iba't ibang bahagi ng mundo na bumisita dito sa bansa na magpapalago ng ating turismo.



Ang iba't ibang lokasyon kung saan gagawin ang ibang bahagi ng pelikula ay ang downtown ng Manila, Makati, Intramuros at Navotas. Sa ngayon, pinalilinisan na ng mabuti ang mga nabanggit na mga lugar sabi ng mga opisyal ng Manila para maslalong maganda tingnan ang Pilipinas sa paglabas ng pelikula.





No comments:

Post a Comment